Nakuha umano mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 2.5 gramo at nagkakahalaga ng ₱17,000 batay sa standard drug price, isang motorsiklo at buy-bust money.
Samantala, isang 37 anyos na pedicab driver na residente ng Mangaldan ang naaresto naman ng Police Station 5 at mga katuwang na yunit. Nakumpiska sa kanya ang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱6,800, motorsiklo at buy-bust money.
Nitong August 19 naman, isang 28 anyos na residente ng Dagupan City na itinuturing na High-Value Individual sa ilalim ng COPLAN Kareef ang nasakote ng Police Station 2, kasama ang CPDEU, CIU at PDEA RO1.
Nakuha mula sa naturang suspek ang dalawang sachet na naglalaman ng pitong gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱47,600, isang cigarette case at buy-bust money.
Sa kabuuan, 10.5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱71,400 ang nasamsam sa tatlong magkakasunod na operasyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO ang tatlong naaresto habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagsasampa sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










