Thursday, May 21, 2026

Ilan pang committee chairmanship sa Senado, naitalaga na

Hindi nangyari ang umuugong na kudeta sa liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano ngayong linggo.

Sa halip, pinunan nila ang mga komite ng mga bagong Chairman matapos na magbago ang senate leadership.

Naupo na bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee (BRC) si Senator Pia Cayetano kapalit ni Senator Ping Lacson.

Naitalaga naman si Senator Rodante Marcoleta na Chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights kapalit ni Senator Kiko Pangilinan habang si Senator Camille Villar naman ang itinalaga na Chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change at Government Corporations and Public Enterprises.

Samantala, si Senator Imee Marcos na Chairperson muli ng Committee on Foreign Relations at si Senator Robinhood Padilla na balik bilang Chairman ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Natapos ang sesyon na walang pagbabago sa liderato at sumentro ang mga mambabatas sa pagbibigay ng privilege speech at manifestation sa nangyaring shooting incident noong nakaraang linggo.

Facebook Comments