
Kinumpirma ni Executive Secretary Ralph Recto na humiling si Vice President Sara Duterte ng travel authority para sa bumiyahe sa ilang bansa mula April 23 hanggang May 15.
Base sa dokumento, bibiyahe si Duterte sa Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom sa mga nasabing petsa.
Nasa leave of absence si VP Sara habang nasa abroad at nakasaad din sa travel clearance na walang gagastusing pondo ng gobyerno para sa biyahe.
Pinagbigyan naman ng Office of the President ang hiling na travel authority ng bise presidente.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa layunin ng biyahe.
Facebook Comments










