IKALAWANG ₱2,000 UPLIFT PAYOUT, ISINAGAWA SA SAN FABIAN

Isinagawa noong Oktubre 7 ang ikalawang payout ng cash assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng UPLIFT Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa San Fabian, Pangasinan.

Sa payout na ginanap sa San Fabian Public Auditorium, tumanggap ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng ₱2,000 bilang ikalawang tranche ng tulong.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang mula sa iba’t ibang barangay ng San Fabian na natukoy bilang vulnerable at near-poor batay sa 2024 Community-Based Monitoring System o CBMS Registry ng Philippine Statistics Authority.

Sa ilalim ng programa, nakatakdang makatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng ₱2,000 kada buwan sa loob ng anim na buwan, o kabuuang ₱12,000 sa buong panahon ng programa.

Pinangasiwaan ng DSWD ang payout katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO ng San Fabian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments