Suot ang puting bistida at barong, muling nanumpa sa isa’t isa ang siyam na mag-asawa sa ilalim ng “MAY FOREVER Program” nitong Oktubre 6 sa City Plaza ng Dagupan City.
Kabilang sa may pinakamatagal na pagsasama sina Alfredo Najera Paras at Conchita Esguerra Gabris na umabot na sa 49 taon magkatuwang na humaharap sa bawat yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
Sa muling pagbigkas nila ng kanilang mga panata, naghatid ito ng kilig at inspirasyon sa mga saksing naroon nang muling pinatunayan ng mga mag-asawa na ang pag-ibig ay hindi natatapos sa paglipas ng panahon.
Baon ng siyam na mag-asawa ang muling pagpaalala na ang “forever” ay hindi lamang pangako. Ito ay isang desisyong araw-araw na pinipiling tuparin hanggang sa paglipas ng maraming taon sa hirap man at sa ginhawa | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







