
Mas pinaiigting ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paghahanda sa mararanasam matinding epekto ng El Niño sa bansa.
Kaugnay nito, iaprubahan ng ika-13 Konseho ng Maynila ang Resolution No. 10196 na nag-uutos sa mga ahensya ng lungsod na palakasin ang information dissemination at disaster preparedness sa lahat ng barangay.
Sa naging desisyon ng City Council, mahalagang maagapan ang posibleng epekto ng matinding init, tagtuyot at iba pang kalamidad.
Nagbabala naman ang Manila LGU sa posibleng kakulangan sa suplay ng tubig at pagkain kung kaya’t dapat itong paghandaan.
Bukod pa rito, asahan na rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at dagdag na konsumo sa kuryente dahil sa sobrang init ng panahon.
Batay sa monitoring at ulat ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, posibleng maramdaman ang epekto ng El Niño sa Nobyembre at maging pinakamalala pagsapit ng Pebrero.
Nanawagan ang buong city council sa mga residente sa Maynila na magtipid sa tubig at makiisa sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan.










