Tuesday, May 12, 2026

Malacañang, walang namo-monitor na destabilization plot kasunod ng mga kaganapan sa Senado at Kamara

Walang namo-monitor na bagong impormasyon sa desbilazation plot o tangkang pagpapabagsak sa gobyerno ang Malacañang.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala silang natatanggap na ulat kaugnay nito pero aminado silang hindi na bago ang mga ganitong usapin.

Bagama’t walang pinangalanan, sinabi ni Castro na alam na umano nila kung sino ang nasa likod ng mga kumakalat na plano dahil may mga nagtutulak umano ng sariling interes at gustong magluklok ng ibang lider.

Kasabay nito, nanawagan ang Palasyo sa publiko na maging mapagmatyag at huwag basta maniwala sa mga kumakalat na fake news at paninira.

Nauna nang sinabi ng Department of National Defense o DND na wala rin silang namomonitor na destabilization activities na konektado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments