Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, aalamin kung may naging lapses sa pagtanggap ng counter-affidavit ni Harry Roque

Aalamin pa ng Department of Justice (DOJ) kung may naging lapses o kapabayaan ang Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi.

Ito ay kasunod ng umano’y panunumpa roon ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang inihaing counter-affidavit sa reklamong qualified trafficking.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, pag-uusapan pa ito ng kagawaran pero mabuti raw sana kung sa embahada nagmula ang impormasyong nanumpa sa kanila si Roque at hindi sa dating opisyal.


Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) kung paano ito nakalabas ng bansa lalo na’t wala sa record ang kaniyang biyahe.

Sa ngayon, aalamin na rin kung sino ang mga tumulong para makalabas ng bansa si Roque.

Si Roque ay dawit sa isyu ng iligal na POGO na Lucky South 99 matapos makita ang ilang dokumento na pirmado niya nang salakayin ang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Facebook Comments