Tuesday, June 23, 2026

Sunod-sunod na trahedya sa mga estudyante, isinisi ni VP Sara Duterte sa kabiguan ng pamahalaan na tutukan ang intelligence gathering

Nagpahayag ng pagkabahala si Vice President Sara Duterte sa pinakabagong trahedya kaugnay ng pamamaril sa ilang mga estudyante ng San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlong mag-aaral ang namatay at walo ang sugatan.

Ayon kay VP Sara, hindi ito ang unang insidente ng trahedya na ikinasawi ng ilang estudyante kabilang na ang pagkamatay ng dalawang Ateneo student-athletes.

Iginiit ni VP Sara na ang mga mag-aaral ay dapat pinoprotektahan laban sa radical influences, maging sa loob man ng paaralan o sa online platforms, o maging sa mga ibdibidwal na nagsasamantala sa sitwasyon ng mga kabataan.

Kaugnay nito, sinisisi ni VP Sara ang sunod-sunod na trahedya sa mga estudyante sa aniya’y kabiguan ng pamahalaan na kilalanin ang kahalagahan ng
intelligence gathering at pagtukoy sa banta sa mga buhay.

Idinagdag ng pangalawang pangulo na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa academics.

Aniya, mahalaga ang pag-uugnay sa pambansang seguridad at katatagan ng pag-uugali ng mga mag-aaral na kanilang natutunan paglabas ng paaralan.

Hinamon din ni VP Sara ang administrasyon na gumawa agad ng kaukulang aksyon para sa kaligtasan at proteksyon ng mga mag-aaral.

Facebook Comments