Ilang barangay sa Imus, Cavite, apektado ng water interruption

53

Makakaranas ng water interruption ang mga kustomer ng Maynilad sa mahigit 80 na barangay sa Imus, Cavite.

Ipapatupad ang water interruption hanggang sa Abril 1 na posibleng magtagal ng 20 oras kada araw dahil sa mataas na demand ng tubig sa pumping station.

Tiniyak naman ng Maynilad na magbibigay sila ng rasyon ng tubig sa mga apektadong lugar.


Facebook Comments