Bahagi ng Shaw Boulevard station ng MRT-3, pansamantalang isasara sa Lunes

89

Pansamantalang isasara ng pamunuan ng MRT-3 sa Lunes, Marso 21 ang building A ng kanilang Shaw Boulevard Station partikular sa bahagi ng EDSA – Shangri-La.

Dahil dito ay inaabisuhan ang lahat ng pasaherong sasakay at bababa ng tren na dumaan sa building B o ang greenfield side ng naturang istasyon na magbubukas mula alas-4:00 ng umaga.

Nakasarado ang naturang bahagi ng istasyon hanggang Marso 22.


Humihingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng MRT-3 sa abala na maaaring idulot nito sa mga pasahero.

Facebook Comments