Ilang bayan sa Batangas, nakararanas muli ng volcanic smog o vog dahil sa Bulkang Taal

Ayon kay Dr. Amor Calayan, ang PDRRMO chief ng Batangas, kabilang sa apektado ng moderate vog ang Calaca, Alitagtag, San Nicolas, Tuy, Brgy. Banyaga sa Agoncilio at Brgy. Boso Boso sa Laurel.

Sinabi ni Calayan na bandang alas-12:00 kaninang tanghali nang maramdaman ang pagbuga ng asupre ng Taal.

Pero nilinaw naman ni Calayan na walang dapat ikaalarma dahil minimal lang naman aniya ang nararanasang volcanic smog.


Ganumpaman, ipinapayo pa rin nila sa mga residente ang pagsusuot ng N95 mask at manatiling magbantay sa sitwasyon.

Wala rin anya silang naitalang mga pagyanig.

Facebook Comments