Friday, September 4, 2026

Ilang biyahe ng barko, kanselado ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon

Kanselado ang ilang biyahe ng mga barko ngayong Setyembre 4 dahil sa masungit na lagay ng panahon dulot ng Habagat o Southwest Monsoon.

Sa abiso ng Philippine Ports Authority o PPA, lahat ng biyahe sa Pantalan ng Lubang sa Occidental Mindoro ay kanselado bunsod ng ipinatupad na No Sail Policy ng lokal na pamahalaan.

Sa Puerto Galera, kanselado rin ang biyahe ng MV City of Bacolod na nakatakdang bumiyahe alas-7:15 ng umaga at alas-12:30 ng tanghali patungong Batangas.

Sa Pantalan ng Abra de Ilog, kanselado rin ang mga biyahe ng Montenegro Shipping Lines na nakaiskedyul alas-7:00 ng umaga at alas-11:30 ng umaga patungong Batangas.

Samantala, sa Western Leyte at Biliran, hindi rin makabibiyahe ang Ocean Fast Ferries sa rutang Maasin–Surigao at pabalik.

Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kani-kanilang shipping line bago magtungo sa pantalan.

Facebook Comments