
Hinihintay na lamang ang pamilya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan matapos na ma-clear na ng Philippine National Police – Cybercrime Investigation and Detection Group (PNP -CIDG) na wala na itong pending pang warrants o kaso.
Nabatid na kahapon ay naglabas na ng release order ang Sandiganbayan 5th Division para sa nasabing kalihim.
Ayon kay CIDG-NCR Director PCol. John Guiagui, nagtungo sila kaninang umaga sa Sandiganbayan para suriin kung may nakabinbin pang mga kaso si Bonoan.
Pagkumpirma ni Guiagui ay kahapon ng alas-5 ng hapon natanggap ng PNP-General Hospital ang email ng Sandiganbayan kaugnay ng release order ng Kalihim.
Masaya naman umano si Bonoan na mare-release na siya ngayong araw ngunit bago ito gawin ay kailangan niya pa ring mag-undergo sa medical check up bago i-clear sa ospital sa Kampo Krame.










