Saturday, August 29, 2026

Paratang na ghost projects sa Taguig, paulit-ulit lang —Sen. Alan Peter Cayetano

Muling nanindigan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na paulit-ulit lang na fake news ang paratang na may katiwalian sa mga proyekto sa Laguna Lake na sakop ng Taguig City.

Giit ni Cayetano, masakit ito para sa kanila ng kanyang maybahay na si Mayor Lani Cayetano at sa milyon-milyong Taguigeños.

Idiniin pa ng senador na hindi hustisya at hindi anti-corruption kundi paninira ang ginagawa sa kanila.

Idiniin namang welcome sa Taguig ang imbestigasyon at handa rin silang ipasyal sa kanilang lakeshore ang nagpaparatang ng katiwalian.

Mababatid na si Senator Ping Lacson ang ilang ulit na naghayag ng natuklasang ghost projects sa Taguig City.

Facebook Comments