Friday, September 4, 2026

Palasyo, iginiit na legal ang ‘acting’ appointments ni PBBM

Dinepensahan ng Malacañang ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihing “acting” ang ilang opisyal ng gobyerno.

Ito ay matapos kwestyunin ni Senadora Imee Marcos ang dami ng mga opisyal na nasa acting capacity.

Ayon sa senadora, mas dapat gawing permanente ang kanilang appointment para dumaan sa pagsusuri ng Commission on Appointments (COA).

Pero ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, may kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga ng acting officials at naaayon ito sa batas.

Kabilang sa mga nasa acting capacity sina Executive Secretary Ralph Recto, DPWH Secretary Vince Dizon, Justice Secretary Fredderick Vida, Finance Secretary Frederick Go, DENR Secretary Juan Miguel Cuna, Labor Secretary Francis Tolentino, Health Secretary Edwin Mercado at Communications Secretary Dave Gomez.

Facebook Comments