Friday, September 4, 2026

Kampo ni dating Speaker Romualdez, naalarma at nagulat sa pagtanggal kay Ex-DPWH Secretary Bonoan sa mga akusado sa kasong plunder

Nakakaalarma at nakakagulat para sa kampo ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtanggal kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonan sa mga akusado sa kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scam.

Pinaalala ni Fajardo na noong nilikha ng Ombudsman ang special panel para magsagawa ng preliminary investigation laban ay Romualdez ay wala kahit isang taga-DPWH ang naglahad ng alegasyon laban kay Romualdez.

Diin pa ni Fajardo, sa pagharap ni Bonoan sa Senate Blue Ribbon Committee at Independent Commission for Infrastructure ay wala itong sinabi na may kaugnayan, kinalaman o partisipasyon si Romualdez sa maanumalyang flood control projects.

Nakakabahala para kay Fajardo na ngayon ay malaya at isa ng potential witness si Bonoan.

Bunsod nito ay iginiit ni Fajardo, na sa ngayon ay walang maituturing na “credible evidence” laban kay Romualdez, matapos magbawi ng kanilang mga naunang salaysay at alegasyon ang limang Maleta Boys kasama ang star witness na si Orly Guteza.

Facebook Comments