
Hati ang mga senador pagdating sa panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 2028 na nakatakda ngayong November 2, 2026.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri hati ang mga senador kung ipagpapaliban o hindi ang BSKE na nakapaloob sa Senate Bill 2387 ni Senator Chiz Escudero.
Mula aniya ng isalang sa plenaryo, dadalawa pa lang ang nag-interpellate sa panukala na sina Senators Tito Sotto III at Robinhood Padilla.
Nais din aniya ni Escudero na desisyunan o mapagbotohan na ang panukala hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre o hanggang Setyembre 16 upang sa gayon ay alam na kaagad kung tuloy o ipagpapaliban ang halalan.
Sa ilalim ng panukala, gagawing limang taon ang panunungkulan ng mga barangay at SK officials kung saan isinusulong na gawing hanggang dalawang termino ang mga opisyal ng barangay.
Sinabi ni Zubiri na gusto ng mga nanunungkulan ngayon na maiurong ang eleksyon subalit may panawagan din na ituloy na ang halalan lalo na sa SK dahil hindi na mga kabataan ang mga nagseserbisyo dito.










