
Ipinag-utos ng Sandiganbayan 3rd Division sa Bureau of Jail Manangement and Penology (BJMP) na suriin ang CCTV footage na kuha mula noong unang araw sa kulungan ni dating House Speaker Martin Romualdez hanggang November 4.
Ito ay matapos aminin ni Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion, sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Huwebes ng umaga, November 5 na may mahigit 500 CCTV camera ang pasilidad, pero nasa sampu dito ang hindi gumagana.
Kabilang sa ipinasusumite ng dibisyon ay ang notaryadong report kung nasaan si Romualdez base sa CCTV footage, maging ang mga rekord ng:
• system status reports at maintenance CCTV system
• access logs, kasama ang mga binura o inalter na footage
• power interruption
• pagpasok at paglabas ng mga sasakyan
• paggamit ng ambulansya
• pagkakakilanlan ng mga taonf bumisita kay Romualdez
• pinakahuling medical report ni Romualdez
• medical examinations ni Romualdez sa labas ng kulungan
Matatandaang ipinatawag ng dibisyon si Pacion, matapos kumalat ang mga alegasyong pinapatay ang kuryente aa pasilidad para hindi mahagip sa CCTV camera ang umano’y paglabas-masok umano ni Romualdez sa kukungan.
Samantala, nakatakda namang humarap ulit sa pagdinig sa November 9 ng Sandiganbayan 3rd Division ang BJMP, dala ang mga hinihinging dokumento ng dibisyon.










