
Walang personal na security details si dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng Bureau of Jail Manangement Penology o BJPM Male Dormitory sa Payatas, Quezon City, pero ayon kay Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion ay pinayagan nilang manatili ng 24/7 sa loob ng kulungan ang isa sa personal staff ni Romualdez.
Sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division ngayong Huwebes ng umaga, November 5, sinabi ni Pacion na ang personal staff na ito ni Romualdez ang nakatokang mag-assist o tumulong sa akusado sa kaniyang araw-araw na pangangailangan.
Nilinaw ni Pacion na pinayagan nila ang nasabing “arraingment” bilang konsiderasyon, dahil base sa kanyang pagsusuri ay unstable pa ang estado ng mental health ni Romualdez at dahil na rin sa kakulangan ng tauhan ng BJMP.
Hindi pinangalanan sa pagdinig kung sinong personal staff ang tinukoy ni Pacion, pero kasama na umano ito ni Romualdez, mula noong September 14 o mula noong unang araw ni Romualdez sa kulungan.
Dagdag pa rito, iginiit ni Pacion na hindi ito special treatment kay Romualdez, dahil may isang Person Deprived of Liberty umano noon na nagangailangan ng special care, kaya pinayagan din nilang magpasok ng kamag-anak dahil sa kawalan nila ng tauhan para sa nasabing pangangailangan.










