Thursday, November 5, 2026

Pag-atras ng unang testigo ng depensa sa impeachment trial, kinatigan ng House prosecution team

Tama para sa House prosecution panel ang pasya ni Dean Ralph Sarmiento na tumangging maging testigo ng depensa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Katwiran ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, ang paglalatag ng ebidensiya ng depensa tungkol sa sinasabi nilang legal at Constitutional principles ay wala sa lugar at walang batayan.

Diin ni Ridon, ang paglilitis na magpapatuloy sa susunod na linggo ay tungkol sa depensa sa mga paratang ng hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara at walang nang iba.

Giit ni Ridon, ang kailangang ipaliwanag ng depensa ay ang P800 milyon hanggang P1.5 billion piso na unexplained wealth ng ikalawang pangulo.

Binanggit din ni Ridon ang mahigit P100 milyong na nakalagay sa mga financial accounts na hindi nakatala sa Statement of Assets, Liabilties and Networth o SALN ni VP Duterte.

Ayon kay Ridon, kasama din sa dapat ipaliwanag ng depensa ang credit card transactions na mahigit P200,000 para lang kumain sa labas at magshopping ng mga sapatos, at marami pang iba.

Facebook Comments