
Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ipa-flag down na nila ang lahat ng mga shipments galing sa bansang Laos.
Ito ay kasunod ng pagkakasabat ng 200 kilo ng hinihinalang shabu na isiniksik sa 50 karton sa North Harbor, Maynila.
Ayon kay Remulla, layon ng hakbang na ito na matukoy kung may lamang ilegal na droga ang mga kargamento na dumadating sa bansa.
Samantala, hindi naman umano konektado ang nasamsam na ilegal na droga na ito sa nauna nang narekober na ilegal din na droga sa Laos.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing mga nasamsam na ilegal na droga.
Facebook Comments










