
Nilinaw ni Defense Counsel Atty. Michael Poa na hindi nila in-advice kay Atty. Mark Vinluan ang paghingi nito ng paumanhin sa impeachment court kaugnay ng umano’y tila pagbabanta nito sa mga naglabas ng AMLC records ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Poa, nagsabi Atty. Vinluan na gagawa ito ng manipestasyon para iklaro na hindi nito intensyon na mang-intimidate sa kahit na sinuman at ang intensyon niya ay basahin lamang ang nakasulat sa batas kaugnay ng confidentiality.
Nabatid na kahapon, bago magsimula ang cross-examination ay nilinaw na rin ito ni Atty. Vinluan sa impeachment court.
Kaugnay nito,hindi naman umano napag-uusapan ng depensa na magkaso ukol sa nasabing usapin dahil labas na rin ito sa defense team.
Facebook Comments










