Tuesday, October 6, 2026

Inaasahang epekto ng Super El Niño phenomenon sa Pilipinas, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc sa House Committees on Agriculture and Food; Aquaculture and Fisheries Resources at Labor and Employment ang inaasahang epekto ng Super El Niño phenomenon sa Pilipinas.

Sa House Resolution No. 1496 na inihain nina Representatives Sarah Elago, Antonio Tino at Renee Co ay binigyang diin ang kahalagahan na matukoy ng maaga ang magiging epekto ng matinding tagtuyod sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Nakasaad sa resolusyon na dapat ding madetermina ang impact ng Super El Niño phenomenon sa ating food security gayundin sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.

Giit ng Makabayan Bloc, kailangan ding mabusisi kung sapat at epektibo ang mga hakbang ng gobyerno para matugunan at maibsan ang pinsalang dulot ng tagtuyot sa ating bansa at sa mamamayan.

Panawagan din ng Makabayan Bloc sa gobyerno, palakasin ang agrikultura at produksyon ng pagkain at pag-ibayuhin ang production subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments