Saturday, October 10, 2026

Kumpanyang iniuugnay kay Atty. Mans Carpio, inisyuhan na ng letter of authority ng BIR

Inisyuhan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Letter of Authority (LOA) ang Cale88 Food Corporation, ang kumpanyang iniuugnay sa mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Sa Day 37 ng impeachment trial ay tinanong ni Senate President Win Gatchalian si BIR Office of the Commissioner Chief of Staff Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez kung naisyuhan na ba ng LOA ang Cale88.

Ayon kay Garcia-Marquez, naisyuhan na nila ng LOA at kasalukuyan na ring iniimbestigahan ang naturang kumpanya.

Sa pagtatanong naman ni Senator-judge Risa Hontiveros, natuklasan na aabot sa P208.5 million ang total sales ng Cale88 mula 2021 hanggang 2025.

Mayroon ding P700 million remittances ang kumpanya kung saan P319 million dito ay mga pumasok na pera mula sa China na sinasabing may kaugnayan sa mga state-owned corporations at Chinese Communist Party.

Bukod dito, nalink din ang Cale88 sa foreign-based companies tulad sa Ukraine na diumano’y sangkot naman sa money laundering.

Facebook Comments