Wednesday, October 28, 2026

PNP-CIDG, binigyan ng hanggang sa susunod na linggo para sagutin ang counter-affidavit ni dating Senate Sgt. at Arms Mao Aplasca kaugnay sa Senate shooting

May hanggang sa susunod na linggo ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) para sagutin ang counter-affidavit na inihain ni dating Senate dating Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa Department of Justice (DOJ).

Ito ay kaugnay sa reklamo ng PNP-CIDG na direct assault laban kay Aplasca matapos ang nangyaring barilan sa Senado nitong May 13.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, binigyan ng hanggang November 6 ang PNP-CIDG para sagutin ang kontra salaysay na isinumite ni Aplasca.

Kasunod nito, bibigyan si Aplasca at kapwa respondents nito ng hanggang November 13 para magsumite ng rejoinder affidavit bago maging submitted for resolution ang reklamo.

Dito naman tutukuyin ng prosekusyon kung titindig ang kaso at maihahain sa korte.

Paglilinaa pa ng DOJ, ang PNP-CIDG at hindi ang National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsampa ng reklamo pero gagamitin aniya ang mga testimonya ng mga ito bilang testigo.

Facebook Comments