
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng industriya ng electric vehicle (EV) sa Pilipinas sa pamamagitan ng Executive Order No. 121.
Ayon kay Palace Press Officer Undrsecretary Claire Castro, ipatutupad ang Electric Vehicle Incentive Strategy Program upang makahikayat ng mas maraming kumpanya na magtayo ng mga pabrika ng electric vehicle at mga piyesa nito sa bansa.
Bilang insentibo, magbibigay ang gobyerno ng tax incentive certificates sa mga kumpanyang kwalipikado at susunod sa mga itinakdang kondisyon.
Nilinaw ni Castro na mahigpit na imo-monitor ng pamahalaan ang pagpapatupad ng programa upang matiyak na natutupad ng mga benepisyaryo ang kanilang mga pangako.
Inaasahan ng Malacañang na magdadala ang programa ng mas maraming mamumuhunan, paglikha ng dagdag na trabaho para sa mga Pilipino, at magpapalakas sa posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang electric vehicle supply chain.










