Ilang Ibinebentang Paputok, Kinumpiska ng PNP Cauayan

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpiska ng mga otoridad ng Cauayan City Police Station ang ilang iligal na ibinebentang paputok gaya ng Butterfly at Whistling Moon sa limang stall bandang 3:30 kanina sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Ayon kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan, ang mga nakumpiskang paputok ay gawa sa bansang china pero ang packaging umano nito ay mula sa Bulacan kaya’t agad itong kinumpiska.

Gayunman, mahigpit na paalala ng pulisya ang pagbebenta ng mga negosyante ng paputok sa mga menor de edad dahil posibleng maharap sa kasong kriminal at matanggalan ng lisensya ang mga ito kung maaaktuhang binebentahan ang mga menor de edad.


Tiniyak naman ni P/Capt. Galiza na nakaalerto sila magdamag upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ngayong yuletide season.

Photo Courtesy: PNP Cauayan

Facebook Comments