Wednesday, June 24, 2026

๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐Ÿฌ๐—ž ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—๐—จ๐—”๐—ก๐—”, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—ฆ๐—”๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ฌ-๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

Cauayan City – Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang P240,000 halaga ng pinaghihinalaang marijuana at naaresto ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Nagrumbuan, Cauayan City, Isabela nitong ika-22 ng Hunyo

โ€ŽKinilala ang suspek na si alyas โ€œSid,โ€ 30-anyos, walang trabaho at residente ng Cabatuan, Isabela.

โ€ŽAyon sa ulat ng pulisya, nakumpiska mula sa kanya ang kabuuang dalawang kilo ng hinihinalang marijuana, kabilang ang isang kilo na ibinenta sa poseur-buyer at isa pang kilo na nasa kanyang pag-iingat.

โ€ŽBukod sa ilegal na droga, narekober din ng mga operatiba ang buy-bust money, mga cellphone, improvised tooter, lighter, mga bag, driver’s license, at isang Yamaha Mio motorcycle na walang plaka.

โ€ŽMahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments