
Nakakuha na ng permit ang Iglesia ni Cristo (INC) upang magamit ang EDSA People Power Monument para sa kanilang rally for truth and better democracy.
Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson Police Major Jennifer Gannaban .
Ayon kay Major Gannaban pinapayagan ang mga raliyista na makapag tipon tipon muli bukas, July 1,2026 mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi.
Nakasaad sa aplikasyon sa permit na nasa 100,000 umano ang inaasahang makikibahagi sa aktibidad bukas.
Nakasaad sa ibinigay na permit na papayagan lang ang mga raliyista sa kahabaan ng Whiteplains avenue at temple drive at walang gagawing road closure sa panahon ng aktibidad .
Facebook Comments










