Ilang korte, pansamantalang isinara para sa disinfection

27

Nag-abiso ang Korte Suprema sa pansamantalang pagsasara ng ilang mga korte dahil sa mga isinasagawang disinfection laban sa COVID-19.

Kabilang dito ang Metropolitan Trial Court sa Sta. Cruz, Davao Del Sur ay magiging sarado o physically closed mula kahapon hanggang sa February 18 o hanggang sa lumabas ang resulta ng lahat ng RT-PCR swab test ng mga kawani nito.


Sarado rin ang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) at ang Office of the Clerk of Court sa Baguio city mula kahapon hanggang sa February 18.

Batay sa abiso ng Supreme Court, maaari na lamang makipag-ugnayan ang publiko sa mga nasabing korte sa pamamagitan ng kanilang official hotline at email address.

Facebook Comments