Ilang lugar sa bansa, uulanin dahil sa ITCZ, Amihan

Patuloy na uulanin ang ilang lugar sa bansa dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ng Northeast Monsoon o Amihan.

Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Mindanao.

Isolated light rains naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Adminitrative Region dahil sa Amihan.


Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Facebook Comments