
Nag-inspeksyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa katatapos lamang na drainage project sa Taft Avenue sa Maynila.
Partikular sa pagitan ng Kalaw hanggang Ayala Blvd. northbound na tapat ng Sta. Isabel College of Manila.
Kasama ni Dizon si Manila City Mayor Isko Moreno kung saan nagawa ng DPWH na matapos ito halos isang taon ang nakalipas.
Nabatid na inabot ng P50 milyon ang inilaang pondo sa halos 250 metro na drainage improvement project.
Maging ang Estero de Balete ay una na rin idinamay sa pagsasa-ayos lalo na’t ito ang dadaluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.
Muling naman iginiit ng kalihim ns sisikapin ng DPWH na mapalawak at maayos ang drainage sa magkabilang panig ng Taft Avenue sa susunod na taon kung saan paglalaanan nila ito ng P1.2 bilyun na pondo.
Layunin nito na maiwasam o kahit papaano ay manawasan ang nararanansan pagbaha upang hindi mahirapan ang publiko partikular ang mga estudyante kapag umuulan o may bagyo.
Nagpasalamat naman si Yorme Isko at ang pamunuan ng kolehiyo sa mabilis na trabaho ng DPWH dahil malaking tulong ito sa publiko maging sa mga estudyante sa panahon ng pagbubukas ng klase.










