Ilang mamimili sa Dagupan City ang sinisigurong Tama ang timbang ng kanilang mga binibiling produkto sa mga palengke ng lungsod.
Ayon sa ilang konsyumer, sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, dapat lamang na katumbas ng ibinayad nila ang timbang ng mga produktong binili tulad ng bigas, karne, isda, at gulay.
Tiniyak naman ng mga tindera na tama at hindi depektibo ang kanilang mga timbangan. Matatandaan na umabot na sa higit tatlumpung depektibong timbang ang kinumpiska ng Task Force Anti littering ng lungsod upang tiyaking maayos ang pamimili ng mga consumer at maiwasan ang panlalamang ng mga tindera.
Samantala, nilagyan ang ilang pamilihan sa lungsod ng timbangan ng bayan upang siguraduhing Tama ang timbang ng pinamili.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments