DUMPSITE CLEARNING SA BONUAN BINLOC, INAASAHANG MATAPOS SA LOOB NG ISANG LINGGO

Patuloy ang clearing operations sa mini dumpsite ng Bonuan Binloc, na kung saan mahigit 200 truck na ng basura ang naalis upang tuluyang maisara ang naturang dumpsite.

Ayon sa Waste Management Division (WMD), kung saan inaasahang aabot pa ng halos isang linggo bago tuluyang matapos ang paglilinis.

Kasabay nito, magsasagawa ang WMD, katuwang ang kanilang consultant, ng segregation training para sa mga waste segregators at collectors bilang bahagi ng pagpapalakas ng solid waste management sa lugar.

Samantala, nagsimula na rin ang pagpupulong ng Barangay Council upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang para sa mga kabahayan kaugnay ng wastong pamamahala ng basura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments