
Marami pa rin mga residente sa Baseco Compound sa Port Area sa Maynila ang hindi pa rin nakaboboto.
Ito’y dahil sa ilan sa kanila ay nawawala ang pangalan sa listahan habang ang iba ay hindi mahagilap ang polling precinct kung saan sila boboto.
Nabatid na dalawang magkatabing eskwelahan ang nasa loob Baseco Compound, ito ang President Corazon Aquino High School at Sen. Benigno Aquino Elementary School.
Karamihan sa kanila ay matiyagang pumipila para makaboto kung saan ang iba sa kanila ay nawala raw ang ipinadalang voters information sheet.
Mas mahigpit na seguridad ang inilatag ng MPD Station-13 katuwang ang ibang ahensiya ng pamahalaaan habang naka-stand by ang mga tauhan ng medical team lalo na’t sobrang init ng lagay ng panahon.
Facebook Comments