Thursday, May 21, 2026

OWWA at DTI, may partnership para sa pagbibigay ng loan sa OFWS na hanggang 5-million pesos

Nagsanib-pwersa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagbibigay ng start-up loans para sa
Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaaring umabot hanggang PHP5 milyon.

Ayon sa OWWA, ang naturang loan ay walang collateral, at may 0% interest, base sa nakapaloob sa PHP2 bilyong pondo para sa mga OFWs.

Bukod pa ito sa Step-Up Upskilling Program na alok ng OWWA sa OFWS.

Layon nito na makapagbigay ng training opportunities para sa mga domestic worker upang maging caregivers at iba pang skilled workers.

Facebook Comments