Tuesday, June 2, 2026

Napabalitang pangongolekta ng ₱480 na civil aviation and immigration security services fee sa mga pasaherong papasok at palabas ng bansa, itinanggi ng BI

Nilinaw ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na wala pa silang kokolektahing ₱480 sa mga pasaherong papasok at palabas ng bansa.

Una nang lumabas sa mga report na mangongolekta ang BI ng ₱480 na Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) Project fee sa lahat ng pasaherong gagamit ng paliparan.

Pero ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang kanilang panukalang paniningil ng service fee ay hindi pa naisasapinal o naaprubahan.

Paliwanag ni Viado, nananatiling isang proposed public-private partnership ang proyekto para magkaroon ng modernization sa border control sa pamamagitan ng advanced biometric systems, real-time risk assessment, data integration at automated immigration technologies.

Dagdag ng opisyal, ang $4 o tinatayang ₱247 user fee ay kasalukuyan pang nire-review at dadaan pa iro sa stakeholder consultations.

Binigyang-diin din ni Viado na sa sandaling magkaroon ng karagdagang passenger charge ay kailangan itong pag-aralang mabuti na karagdagan na namang pasanin ng mga pasahero.

Facebook Comments