Monday, August 24, 2026

Pagsasalita ng Bisaya ng testigong si Gina Acosta sa nagpapatuloy na Impeachment Trial ni VPSD, hindi nito estratehiya —Atty. Poa

Ipinagtanggol ni Defense Counsel Atty. Michael Poa ang pagsasalita ng Bisaya ng testigong si Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer Gina Acosta.

Ito ay kasunod ng mga ulat na stratification umano ito ng Acosta sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay Poa, marahil ay hindi naman ito stratification ni Acosta at talagang komportable lang itong magsalita ng Bisaya.

Ayon pa kay Poa, sa House Committee Hearing pa lang ay gusto na talaga umano ni Acosta na magsalita ng Bisaya ngunit hinimok ito na magsalita sa Ingles at Tagalog.

Dagdag pa nya, hindi nila nakikitang lumihis ang mga pahayag ni Acosta at pareho lang ang sagot nito sa ginanap na House hearing noon.

Facebook Comments