Friday, August 21, 2026

Pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Drill para sa active attack incidents, derektiba ng DepEd na ganapin sa August 25

Dulot ng malawakang banta ng pagtaas ng active shooting incidents sa bansa, ipinag-utos ng DepEd ang pagsasagawa ng nationwide simultaneous school safety drill sa mga pampublikong at pampribadong paaralan.

Ayon sa inilabas na Memorandum Order ng Department of Education (DepEd), itinalaga ng ahensya na ipatupad ang safety drills sa araw ng Martes sa susunod na linggo, August 25 sa oras na alas-9 ng umaga.

Para sa mga paaralang nakapagsagawa na nito, hindi na nire-require ng ahensya na magpatupad pa ng safety drills bagkus ay maaari nang magpatuloy sa pagsubmit ng mga kaukulang dokumento tungkol sa aktibidad.

Inaatasan ng DepEd ang bawat paaralan na makiisa sa aktibidad na ito bilang bahagi ng kahandaan at pagbibigay kamalayan sa mga mga menor de edad ng nararapat na gawin sa panahon ng peligro.

Kaugnay nito, pinaiigting ng ahensya ang mga School Disaster Risk Reduction and Mangement ng bawat institusyon para sa mas pinalakas na localized contigency plan nito.

Pinaaalalahanan ng DepEd ang bawat paaralan na ang gagawing drill ay nararapat na maging age-appropriate, trauma-informed, at nakatuon sa kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Facebook Comments