Ilang mga mangingisda, nagprotesta sa labas ng Navotas City Hall

Nagprotesta ang ilang mga mangingisda sa labas ng Navotas City Hall para hilingin na ibalik ang kanilang negosyong pagtatahong.

Kasunod ito ng utos na suspensyon ng reclamation projects sa Manila Bay.

Pinangunahan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang protesta kung saan hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pumapayag o hindi binibigyan ng Navotas LGU ng permit ang mga operators para magsimulang maglagay ng mga istraktura para sa pagpaparami ng tahong.


Panawagan nila na ibalik ang kanilang kabuhayan habang suspendido ang proyekto lalo na’t hindi pa rin nakakaahon mula sa pagkalugi ang ilang mga maliliitn na mangingisda.

Muli nilang iginigiit na ang reclamation project ay nagiging dahilan ng pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng ilan katulad nilang mangingisda.

Napag-alaman na nasa 200 mussel farms ang sinira noong nakaraang taon para bigyan daan ang 650-hectare Navotas City Reclamation project kung kaya’t 1,000 mangingisda, trabahador at operator ng pagtatahong ang apektado ang kabuhayan.

Facebook Comments