
Hindi makakaapekto sa stratehiya ng Defense Team ang desisyon ng Impeachment Court sa pagpapa-subpoena ng mga tax records at bank accounts ni Vice President Sara Duterte at sa asawa nitong si Atty. Mans Carpio.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, inaasahan naman na ng depensa ang mga ganitong sitwasyon .
Dagdag pa nito, may mga legal remedies naman sa batas kung sakali na pwedeng idulog sa kanilang kliyente.
Ayon pa kay Poa, ang mahalaga ay nilatag naman ng depensa ang posisyon nito sa nasabing usapin.
Aniya, hindi man umubra ang kanilang depensa ay nirerespeto nito ang naging desisyon ng impeachment court.
Facebook Comments










