
Idineklara ng Palasyo ng Malacañang na special non-working day ang March 17, araw ng Lunes sa Davao City.
Batay sa Proclamation No. 826, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay para sa pagdiriwang sa Araw ng Pasasalamat sa ika-88 Araw ng Davao.
Nakasaad din sa proklamasyon na idineklarang walang pasok sa lungsod para mabigyan ng pagkakataon ang mga Dabawenyo na makikiisa sa pagdiriwang.
Ang Araw ng Davao ay isang makulay na pista na nagpapakita ng kultura ng lungsod, kung saan iba’t ibang aktibidad ang idaraos tulad ng mga trade fair at parada.
Facebook Comments