
Pumila rin at nagbakasakaling makahanap ng trabaho sa isinagawang Labor Day Job Fair sa Quezon City ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi mula sa ilang bansa sa Middle East dahil sa giyera doon.
Kabilang dito ang 62 anyos na si Rudillo Anida Jr.
Ayon kay Anida, nahinto ang kaniyang trabaho dahil sa giyera at tatlong buwang hindi nakasahod bilang safety officer sa isang construction firm sa Dubai.
Aniya, kailangan ng makahanap ng bagong trabaho dahil marami silang pinagkaka gastusan, gaya ng upa sa bahay at sa pang araw-araw na pagkain.
Pahirapan din para sa 28 anyos na si Rica Lucero ang job hunting.
Matagal na kasi siyang jobless at tuwing may job fair ay palagi siyang pinapangakuang tatawagan.
Ngayon aniya ay umaasa siyang matatanggap kahit sales lady.
Nasa 134 na katao na ang hired on the spot sa malawakang labor job fair ng QC-LGU na isinasagawa sa MICE Center sa city hall.
Ayon kay Rhye Labrador, Senior Labor and Employment Officer, as of 2pm, mula sa 1,725 on-site registered job seekers kanina, 134 ang hired on the spot.
Kabilang sa nag-hired on the spot ay mula sa wholesale and retail trades, gaya ng mga store crew, sales clerk, cashier at dish washers.










