Ilang mga sex gadget at pampagana, nakumspiska ng MPD sa Raon

Nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang iba’t ibang uri ng “sex gadgets” at “pampagana” sa bahagi ng Raon overpass, sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay PLt. Eric Casuncad ng Carlos Palanca Police Precinct, ang kanilang aksyon ay bunsod na rin ng ilang reklamo ng bentahan ng mga naturang produkto.

Halimbawa rito ang sumbong na rin ng mga magulang kung saan nakikita raw kasi ang mga produkto ng mga batang estudyante ng paaralaan na malapit lamang sa Raon.


Kabilang sa mga nakumpiska ay mga tabletas na sinasabing pampagana, tinatawag na “pilik-mata,” at ilang sex toys.

Sinabi ni Casuncad na ang mga ito ay sinunog upang hindi na mapakinabangan pa o maibenta.

Aniya, ilegal ang mga produkto na ang iba ay may Chinese letters at walang English translation na posibleng makasama rin sa kalusugan ang mga tabletas.

Babantayan na rin ng mga pulis ang bahagi ng Raon, upang hindi na makapagbenta pa ng mga sex gadget ang mga vendor.

Facebook Comments