
Kinumpirma ng ilang minority senators ang hindi nila pagdalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos mamayang hapon sa Kamara.
Ayon kay presidential sister Senator Imee Marcos, hindi na siya dadalo sa SONA ng kanyang kapatid mamaya dahil masama ang kanilang loob matapos na ipakulong at kasuhan ang ilang myembro ng minority.
Kung matatandaan, nakakulong at nahaharap ngayon sa kasong plunder sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta habang nagtatago at nahaharap naman sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) si Senator Bato dela Rosa.
Sinabi pa ni Sen. Imee na bukod sa kanya, alam niya rin na hindi dadalo sa SONA ng Pangulo sina Senator Loren Legarda, Senate Minority Alan Peter Cayetano, at Senator Robinhood Padilla.
Kinumpirma rin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi rin siya dadalo sa SONA ni PBBM bilang pagpapakita niya ng protesta sa pamahalaan.
Manonood na lamang sa telebisyon si Cayetano at maaaring mas komportable ang administrasyon sa hindi niya pagdalo sa SONA.










