Ilang oil companies, naglabas na ng anunsyo hinggil sa oil price hike bukas

Naglabas na ng anunsyo ang ilang oil companies kaugnay sa dagdag singil sa produktong petrolyo bukas, March 29.

Sa inilabas na anunsyo ng Petrogazz, tataas ng 3.40 pesos ang kada litro ng gasoline habang nasa 8.65 pesos naman kada litro ang itataas sa diesel.

Gayundin ang inanunsyo ng Pilipinas Shell kung saan nasa 9.40 pesos kada litro naman ang itataas ng kerosene.


Epektibo naman ang naturang oil price hike sa Petrogazz at Pilipinas Shell bukas alas-sais ng umaga.

Habang epektibo naman pagsapit ng alas-otso bukas ng umaga ang dagdag singgil sa Cleanfuel.

Facebook Comments