Tuesday, October 27, 2026

Papalit kay VP Duterte sakaling ito ay mahatulang guilty ng Impeachment Court, masyado pang maaga para pag-usapan

Para sa House Prosecution Panel, masyado pang maaga para pag-usapan kung sino ang posibleng italaga o ipalit kay Vice President Sara Duterte sakaling ito ay hatulang guilty ng Impeachment Court.

Diin ni Barbers, bahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpasya kung sino at kung saan siya pipili ng kaniyang ipapalit bilang bise presidente.

Naniniwala naman si Barbers na kaya napag-uusapan ito ngayon pa lang ay dahil nakikita ng mamamayan kung gaano kalakas ang mga ebidensya laban kay VP Duterte.

Sa November 9 ay magbabalik ang impeachment trial kung saan magkakaroon naman ng pagkakataon ang defense panel na magsagawa ng presentation kontra sa alegasyon na mayroong hindi maipaliwanag na yaman si VP Duterte na hindi nakadeklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Facebook Comments