Taas-sahod sa Region 10, inihihirit ng TUCP

Nakatakda na namang maghain bukas ng wage hike petition ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa mga manggagawa sa Region 10.

Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, ang hiling na umento sa sahod ay isasampa ng labor group sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-10 sa Cagayan de Oro City.

Aniya, nasa ₱365 kada araw ang minimum na pasahod ngayon sa Region 10 na hindi na sapat para sa isang manggagawa.


Ang Region 10 ay binubuo ng Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao del Norte, at Camiguin.

Facebook Comments