Wednesday, October 21, 2026

Paghahanda at pag-iingat, patuloy na paalala ng OCD sa epekto ng Bagyong Rosal

Patuloy ang paalala ng Office of Civil Defense (OCD) na maghanda at mag-ingat sa posibleng epekto ng Bagyong Rosal.

Nagpaalala rin ang OCD sa mga lugar na posibleng makaranas ng pag-ulan dulot ng bagyo at sa pagtutok sa lagay ng panahon at sa mga abiso ng awtoridad.

Ayon sa OCD, base sa pagtataya ng DOST-PAGASA, inaasahang magdeklara ito ng Yellow Warning ngayong araw hanggang bukas ng tanghali sa Batanes, Ilocos Norte, Apayao at Cagayan.

Samantala, para naman sa mga anunsyo at impormasyon patungkol sa bagyong Rosal, maaring bisitahin ang official social media platform ng OCD at PAGASA.

Facebook Comments